![]() |
| Mga halimbawa ng makabagong teknolohiya dala ng henerasyon |
Mga pluma, mga papel. Mga gamit sa pagsusulat noong mga panahong wala pang mga makinaryang katulad ng computer. Karapat-dapat pa ba itong magamit nga makabagong henerasyon na kinabibilangan natin?
Mga computers,laptops,mga netbooks. Ilan lamang iyan sa mga gamit ngayon ng mga mamamahayag na tulad ko. Ang computer ay napakasikat na nga dito sa Pilipinas. Napakalaking tulong nito sa mga mag-aaral na katulad ko sapagkat mas napapaganda nito ang aking mga gawa na para bang isang propesyonal ang may likha nito!
Alam mo ba kung ano ang ‘internet’? ito ay isang ‘application’ sa iyong computer na iyong magagamit lalo na sa pagkalap ng impormasyon. Sa pamamagitan ng internet, mas marami akong naidagdag sa aking isipan na bago. Isa ito sa mga pinakamagagandang features ng isang computer.
![]() |
| Pinakasikat na features ng internet |
Ikaw ba ay may kaalaman sa paggamit ng Facebook? Chat,message,games. Ilan lamang ang mga ito sa maaring maggawa mo sa Facebook ngunit alam mo bang ito’y daan din tungo sa magandang edukasyon? Oo, ito ang aking nagging daan upang makaabot sa klase noong ako’y nagkasakit. Inilagay ng aking mga kamag-aral ang mga kailangan kaya’t ako'y nakaabot sa mga aralin na hindi ko inabutan. O, di ba? Daan nga ito sa matataas na grado. Sa puntong iyon, napagtanto ko na ang gamit ng Facebook ay hindi lamang para makapaglibang ngunit ito’y makatutulong din sa atin sa magandang edukasyon.
![]() |
| Ang pluma at papel na kinalakihan na natin |
Maari pa naman din nating gamitin ang mga pluma, papel na ating nakasanayan na. Ngunit, kung gusto naman nating mas mapaganda ating mga likha tulad ng gawa nga mga propesyonal ay gamitin na natin ang makabagong teknolohiyang dala ng ating henerasyon.
Napakabait talaga ng Maykapal! Kung wala ang mga taong kanyang ginawa na nagturo sa mga taong ngayon ay gumagawa ng mga computer, ay siguro walang mas magandang edukasyon na ating makakamtan kaya Edukasyon-Teknolohiya-Mas Magandang Edukasyon!
Sources:


